AFTER DEATH – MATAPOS ANG KAMATAYAN
Heb 9:27 At kung paanong
itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang
paghuhukom;
ANO-ANO
ANG MGA SANGKAP NA BUMUBUO SA TAO?
Katawan (laman at dugo), kaluluwa, at espiritu
……..… HEB 4:12; 1 THES. 5:23
ANO
ANG NAGAGANAP SA 3 SANGKAP NA ITO SA SANDALI NG KAMATAYAN?
Ang
katawan ay nauuwi sa alabok
Gen 3:19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng
tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha:
sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.
Psa 104:29 Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y
nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik
sa kanilang pagkaalabok.
#
… Sa tala ng paglalang sa Genesis Chapter 1 ay
mapapansin na “tanging” ang tao lamang ang nilikha ng Dios ayon sa “Kanilang
Wangis” (Gen. 1:26-27). Ito ay naganap
nang ika-6 na araw ng paglalang, matapos na malikha na ng Dios ang lahat ng mga
bagay, maging ang mga hayop.
Gen
1:26 At sinabi ng Dios, Lalangin natin
ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng
kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga
hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng
lupa.
Gen
1:27 At nilalang ng Dios ang tao ayon sa
kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya
sila na lalake at babae.
#... Mapapansin na “tanging” ang tao lamang ang
detalyadong nailahad sa Biblia na nilikha ng Dios mula sa alabok ng lupa (Gen
2:7). Ang ibang nilikha o nilalang
na natala sa Genesis Chapter 1 ay nilikha sa pamamagitan ng “Salita ng
Dios”. Tungkol naman sa mga hayop ay
hindi dinitalye kung ang pagkakalikha sa kanila ay katulad din ng pagkakalikha
sa tao na kung saan ang Dios ay pumorma pa ng alabok ng lupa. Maaari din naman na ang hayop ay galing din
sa alabok dahil kapag namatay sila ay naaagnas ang mga ito gaya ng sa tao. Bagamat ang mga hayop ay mayroon ding “breath
of life” ay wala naman tayong mababasa na ang mga ito ay mayroong kaluluwa ng
gaya ng sa tao. Ang Panginoong Jesus ay
namatay upang tubusin ang kaluluwa ng mga tao at hindi ng mga hayop. Ang mga
hayop ay ibinigay ng Dios bilang pagkain ng tao matapos ang baha nuong panahon
ni Noe at maaaring katayin ng tao pero ang tao ay hindi pwedeng kumatay ng
tao. Sa tala ng buong Biblia ay wala
tayong mababasa na ang mga hayop ay mayroong kaluluwa.
ANG
PAGKAKALIKHA SA TAO NA MULA SA ALABOK NG LUPA
Gen 2:7 At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan
ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging
kaluluwang may buhay.
#... “At
nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa…” ANO ANG NILALANG NG DIOS MULA SA ALABOK? Ang tao. ANO ANG TAWAG SA NILALANG NG DIOS MULA SA
ALABOK? TAO! SAMAKATUWID “tao”. Tinawag na tao ang nilalang kahit bago pa
lamang ito “hingahan” ng hininga ng buhay. Naging kaluluwang may buhay ang tao matapos
na ito ay hingahan ng hininga ng buhay sa ng Dios sa butas ng ilong. Kaya nga, ang nilalang na ito na kung tawagin
ay TAO ay tinawag na ngang TAO kahit wala pa ang espiritu o hininga ng buhay.
- Gen 2:7 “…at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.
ANO
ANG NAGING KALULUWANG MAY BUHAY? Ang Tao.
SAMAKATUWID ang tinatawag na tao ay yaong nanggaling sa alabok. Ang tao ay nilagyan ng hininga ng buhay at
naging kaluluwang may buhay. Ang “Tao”
ay mula sa alabok. Ang katawan na
nanggaling sa alabok ang siyang namamatay kapag nawala ang “hininga ng buhay”
na kung tawagin ay “espiritu” dahil ang espiritu ang siyang bumabalik sa Dios
kapag ang katawan o tao ay namatay (ECCL. 12:7)
Ecc
12:7 at ang alabok ay bumalik sa lupa
na gaya nang una, at ang espiritu ay bumalik sa Diyos na nagbigay
nito. (ABAB)
at
ang katawan ay PATAY kapag ang espiritu ay nawala.
Sant 2:26 Sapagka't kung paanong ang katawan na walang
espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa
ay patay.
Kung
ating
uungkatin ay ang katawan lamang ng tao ang namamatay sa sandali na mawala ang
espiritu o “hininga ng buhay” sa kanya.
Hindi naman sinabi sa Santiago 2:26 na pati kaluluwa ay patay kung
walang espiritu. Katunayan sa mga salita
ni Jesus ay ipinahiwatig ang katotohanang ito:
- Mat 10:28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.
KALULUWA
– ANO ANG NAGIGING KALAGAYAN NG KALULUWA KAPAG ANG TAO AY NAMATAY?
Ang
kaluluwa ay nagtutungo sa Hades. Ang salitang “hades” ay wikang griego na may
katumbas na salita sa wikang Hebreo na “Sheol”.
Sa Matandang Tipan ay “sheol” dahil naisulat ito sa wikang Hebreo at sa
Bagong Tipan ay “hades” dahil sa wikang griego naman ito naisulat. Nang mamatay ang Panginoon Jesus sa Krus ang
Kanyang kaluluwa ay nagtungo sa hades,
Act 2:27 Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin
man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
Hinango mula Propesiya ng Matandang Tipan ang mga salitang ito na ginamit ni Pedro sa Gawa
2:27,
Psa 16:10 Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo
man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan.
Narito pa ang ilang mga talata na nagpapatunay na
ang kaluluwa ay napupunta sa hades o sa sheol:
Psa 30:3 Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking
kaluluwa mula sa Sheol: iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong
bumaba sa hukay.
Psa 49:15 Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa
sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)
Psa 86:13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob
sa akin; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
Pro 23:14 Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas
mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.
ANO ANG KAHULUGAN NG HADES O SHEOL?
Sa simpleng kahulugan ang ibig
sabihin nito ay “libingan”. Subalit ito
ay hindi lamang libingan na gaya ng sementeryo.
Sa mga depinisyon ng salitang Hades ito ay tumutukoy sa “daigdig ng mga
patay” o “world of the dead”. Ito ay
lugar o dako kung saan ang mga kaluluwa ng mga namatay ay nagtutungo.
1. ANG KALULUWA
AY NAGTUTUNGO SA Hades ng Pagdurusa at Sinapupunan ni Abraham ………….. Lukas
16:20-31
2. Ang katawan (hindi ang
kaluluwa) ang natutulog kapag ang tao ay namatay …........................... MAT. 27:52
3. Ang mga kaluluwa na nakita ni Juan ay sumigaw
… Apoc 6:9-10
4. Nangaral si Jesus sa mga espiritung nasa
bilanguan … 1 Ped 3:18-20
II. ANO ANG NAGIGING KALAGAYAN NG TAO (KATAWAN)
SA KANIYANG PAGKAMATAY?
1. Itinulad sa
taong natutulog, gaya ng kay Lazaro ……...........................................……... JUAN 11:11-14
2. Wala ng
nalalamang anuman - wala ng anomang bahagi sa lahat ng mga bagay na ginawa sa
ilalim ng araw ..……..………..…ECCL. 9:5; AWIT 146:4
3. Kung paanong
ang tao’y lumabas sa bahay-bata ng kaniyang ina, hubad na yayaon siya uli na
gaya ng siya’y dumating ……ECCL. 5:15; JOB.1:21
4. Hindi na makapupuri sa Panginoon ..............................................................AWIT
115:17; 6:5; 38:18
5. Hindi na aahon pa, hindi na babalik sa
kaniyang bahay …....................................…JOB 7:9-10; 14:7-12
III. ANO ANG
PAGTUTURO NG BIBLIA NA NARARAPAT GAWIN NG TAO HABANG SIYA AY NABUBUHAY?
1. Gawin na ang lahat ng magagawa habang buhay.….. ECCL. 9:10
2. Alalahanin ang Maylalang habang buhay at
malakas ………….. ECCL. 12:1-2
3. Talastasin na dadalhin ka ng Dios sa
kahatulan, ilayo ang kapanglawan sa puso at alisin ang kasamaan sa katawan ……….. ECCL. 11:9-10
IV. BILANG MGA MANANAMPALATAYA ANO ANG DAPAT
NATING ASAHAN. BAGAMA’T TAYO MAN AY MAMATAY?
1. Kung tayo’y
nananampalataya na si Jesus ay namatay at nabuhay na mag-uli, gayon din naman
ang mga nangamatay kay Cristo ay dadalhin ng Dios na kasama ni Cristo ….........................….1
THES. 4:13-17
2. Hindi lamang sa buhay na ito tayo’y
nagsisiasa kay Cristo ....................................... 1 COR. 15:19, 32
3. Hindi ang
lahat ay mangatutulog, datapuwa’t ang lahat ay babaguhin …................................. 1 COR 15: 51-54
4. Tutubusin ng
Dios ang ating kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol …......................……. AWIT 49:15
-WAKAS-
No comments:
Post a Comment