ANG TALINGHAGA NG MANGHAHASIK


(Ang Apat na Uri ng Tao na Nakikinig ng Salita ng Dios)
(Lukas 8:4-18;  Mateo 13:2-9, 18-23)

I.    Ano ang talinghaga ng manghahasik?
 
1. Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik ng binhi.  Ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan at  napagyapakan, at ito’y kinain ng mga ibon sa langit. ………………… LUK 8:5

2. Ang iba’y nahulog sa batuhan, at pagsibol ay natuyo,
        sapagka’t walang halumigmig  .………………..  LUK. 8:6
doo’y walang sapat na lupa, at pagdaka’y sumibol,  sapagka’t hindi malalim ang lupa at pagsikat ng araw ay nanga-initan, at dahil sa walang ugat ay  nangatuyo.…….MAT. 13:5-6

3. Ang iba’y nahulog sa mga dawagan; at tumubong  
kasama ng mga dawag, at yao’y ininis. ……LUK 8:7

4. At ang iba’y nahulog sa mabuting lupa, tumubo at nagbunga ng tig-iisang daan.  … LUK 8:8;   MAT.13:8


II. Ano ang kahulugan ng talinghaga ng manghahasik?

1. Ang binhi ay ang Salita ng Dios   ………..  LUK. 8:11

2. Ang nangahulog sa tabi ng daan ay ang nakikinig ng salita.  

  • At ito’y hindi nagpag-uunawa, ay pinaroroonan ng  masama
  •     at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso ....... MAT. 13:19

  • inaalis ng diablo ang salita sa kanilang puso upang huwag magsisampalataya at mangaligtas. …………….. LUK 8:12

3. Ang nahulog sa batuhan ay yaong nakikinig at tinatanggap ng buong galak ang salita, gayon ma’y wala ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal, at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka’y  natitisod siya. ....... MAT 13:20

  • sandaling panahon ay nagsisisampalataya at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay …............... LUK 8:13

4.  Ang nahulog sa dawagan ay yaong dumirinig ng salita nguni’t ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan at ang daya ng Kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao’y naiging walang bunga  
 ....................................MAT. 13:22; (see LUK. 12:15 )

  • iniinis sila ng pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito.   ……..LUK 8:14

5. Ang nahasik sa mabuting lupa ay siyang dumirinig,  Nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga. …….....................................................  MAT. 13:23

  • ang mga pusong timtiman at mabuti na iniingatan ang salita pagkarinig at nangagbubungang may pagtitiis. …..  LUK. 8:15


III.  Paano natin dapat tanggapin ang salita ng Dios na napapakinggan?       

1. Lakipan ng pananampalataya ang pakikinig at huwag
       pagmatigasin ang puso ………….  HEB. 4:2,

2.  Matiyagang ingatan ang mga salitang ipinangaral  .. 1 COR. 15:1-2   
 
3.  Tanggapin ang salita na ipinangaral na ayon sa katotohanan ay salita ng Dios na gumagawa sa nagsisisampalataya. …………. 1 TES. 2:13


IV.  A R A L:  PABALITA O MENSAHE !

1. Hindi babalik ang Salita ng Dios sa Kaniya na walang bunga ……………………………  ISA. 55:10-11

2. Ang tao ay mabubuhay hindi sa tinapay lamang kundi Sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios…… MAT. 4:4; Deut. 8:3

3. Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios …….  JN. 8:47 

4.  Marapat lamang na ingatan ng isa ang mga salita ng Dios na napapakinggan sapagka’t dito ay may buhay na walang hanggan …............................................  JN. 12:47-50

-WAKAS-

No comments:

Post a Comment