ANG MASAMANG KALAGAYAN NG TAONG HIWALAY KAY KRISTO


I.  PASIMULA:  ANO ANG KALAGAYAN NG TAO KUNG SIYA AY HIWALAY KAY CRISTO?

1.  Hindi kabilang sa bansa ng Israel, mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, walang pag-asa at walang Dios sa sanglibutan   ……………  EFE. 2:12

2.  Mga patay (sa harap ng Dios) dahil sa pagsalangsang at mga kasalanan  ……………………... EFE. 2:1, 5

& Ang dating pagkatao, na sumama ng sumama (“corrupted”)  ………………………...  EFE. 4:22

3.  Kaaway ng Dios …………………... ROMA 5:10

Nangahiwalay at mga kaaway sa inyong pag-iisip sa gawang masasama . ………………..COL. 1:21

4.  Bulag ang mata, nasa kadiliman, nasa kapangyarihan ni Satanas, walang kapatawaran sa mga kasalanan  …………. GAWA 26:18


II. ANO ANG KAHIHINATNAN NG TAO KUNG MANANATILI SA MASAMANG KALAGAYAN NA HIWALAY KAY

       CRISTO?

1.  Hinatulan na (“condemned already” NIV) ang mga hindi sumampalataya kay Cristo   ……………... JUAN 3:18
 
2.  Ang galit ng Dios ay nananatili sa kaniya na  hindi tumanggap kay Cristo  .…………….. JUAN 3:36

3.  Mangamamatay sa kasalanan, maliban na sumampalataya kay Cristo ….…….  JUAN 8:24


III.  ANO ANG DAPAT GAWIN NG TAO UPANG MAALIS SA MASAMANG KALAGAYAN NA ITO?

1.  Sumampalataya kay Jesus upang huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan …………………..  Jn 3:16

2.  Dinggin and salita ni Cristo at sumampalataya sa Ama na nagsugo sa Kaniya ……………. Jn 5:24

 3. Ang pagdinig kay Jesus ay ang pagbukas ng ating pinto para sa Kaniya upang siya ay makapasok sa atin ………….. Apoc. 3:20

4.  Ang pagsampalataya kay Cristo ay ang PAGTANGGAP sa kaniya ……………………………. Jn 1:12

5.  Ipahayag na si Jesus ay Panginoon at sumampalataya na binuhay Siya ng Ama sa mga patay, ay maliligtas ka.. ……….. Rom 10:9



-Wakas-

No comments:

Post a Comment