ANG PAGSAMBA SA AMANG DIOS AT SA PANGINOONG JESUCRISTO


 
I. ANO ANG ILANG PANAWAGAN NG BIBLIA TUNGKOL SA PAGSAMBA SA DIOS?

1.  Magsisamba at magsiyukod, magsiluhod sa harap ng Panginoon na maylalang…sapagka’t Siya’y ating Dios …… AWIT 95:6-7

2. Sa Panginoong Dios sasamba, at siya lamang ang paglilingkuran ……………..... MATEO 4:10 (Deut. 6:13)

Si Jesus man ay nagpatirapa sa Ama …… MARCOS 14:35
Si Pedro, Pablo at Bernabe at ang anghel ay HINDI  PUMAYAG na sila ay sambahin at luhuran  
      ……Gawa 10:25-26; Gawa 14:11-15; Apoc 22:8-9)

3.  Ang buong katungkulan ng tao ay matakot sa Dios at sundin ang Kanyang mga utos …….… ECC. 12:13-14


II.  PAPAANO DAPAT SAMBAHIN ANG AMANG DIOS SA PANAHONG CRISTIANO?

1.  Sambahin sa espiritu at katotohanan …… Jn 4:20-24

2.  Si Cristo at ang Salita ng Dios ay katotohanan …………... (Jn. 14:6; Jn 17:17; Jn 1:1; Apoc 19:13)

PAGSAMBA SA ESPIRITU:
Gaya ni Pablo na naglilingkod sa Dios sa kaniyang espiritu sa evangelio ni Jesucristo (Roma 1:9)

3.  Iharap ang katawan na isang haing buhay, banal at kaayaaya sa Dios, na siya nating katampatang pagsamba …………… Roma 12:1-2

III.  PAPAANO ANG PAGPAPAKILALA NG BIBLIA NA ANG PANGINOONG JESUS AY DAPAT SAMBAHIN AT PAPURIHAN?

1.  Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama …………… Jn 5:23

2.  Ang mga Apostol ay nagsisamba kay Jesus …………….. Luk. 34:52

3.  Ang bulag na pinagaling ni Jesus ……… JN. 9:38

4.  Ang pagsamba na iniukol sa Ama at sa Anak, na nakita ni Juan …… APOC. 5:13-14

IV.  ARAL 0 MENSAHE


1.  Si Jesus ay pinadakila ng Dios… upang sa pangalan ni Jesus ang lahat ng tuhod ay iluhod… sa ikaluluwalhati ng Ama ……...........…  FIL. 2:9-11

2.  Maghandog na may paggalang at katakutan ng paglilingkod sa Dios …………………… HEB. 12:28

3.  Sa pamamagitan ni Jesus ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios …………… HEB. 13:15


-WAKAS-

No comments:

Post a Comment