BAKIT KAILANGAN NG BAWA’T TAO
ANG ISANG TAGAPAGLIGTAS


I.  BAKIT KAILANGAN NATIN ANG TAGAPAGLIGTAS?


1. Dahil ang Dios ay nagtakda ng kamatayan para sa lahat ng mga tao at ang kamatayang ito ay hahantong sa paghuhukom  …………………… HEB. 9:27

2. Naranasan ng lahat ng tao ang mamatay, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala ………………… ROM. 5:13

3. Ang lahat ay nagkasala at hindi nakaaabot sa Dios ……………………………………………..….. ROM 3:23

4. Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan ay dinadaya natin ang ating sarili at ang katotohanan ay wala sa atin …………………………...1JN. 1:8

5. Ginagawa rin nating sinungaling ang Dios kung sinasabi nating tayo’y hindi nangagkasala ………… 1JN 1:10

6. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan ........   ROM 6:23    


II.  ANO ANG TINATAWAG NA PAGHUHUKOM AT ANO ANG ILANG MAGAGANAP PAGDATING NG ARAW NA YAON?

1. Paglipol sa mga taong masama …….. 2 PED. 3:7

2. Ito din ang dakilang araw ng kagalitan ng Dios      ………………………………….....  APOC.  6:15-17

3. Kahit ang pilak o ginto ay hindi makapagliligtas sa dakilang kaarawan ng kapootan ng Panginoon  …………...  ZEF. 1:14-18


III.  PAANO MALILIGTAS ANG TAO?

1.  Manampalataya sa Panginoong Jesus at maliligtas
     …………………………………….....  GAWA 16:30-31

2. Pumasok sa Panginoong Jesus  ……... JUAN 10:9

3. Ang pagpasok kay Jesus ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniya ……….…… EFE. 3:12

4.  Ang pagsampalataya kay Jesus ay ang pagtanggap sa kaniya …………………………….…………  JN. 1:12


IV.  TANGGAPIN ANG PANGINOONG JESUS BILANG TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON NG BUHAY.

1.  “Kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na   Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang mag-uli ng Dios sa mga patay ay MALILIGTAS KA.”  …   ROMA 10:9

2.  Sampalatayanan si Jesus bilang CRISTO at ANAK NG DIOS ……….........................……….….   MAT. 16:16-17; JN. 20:30-31

3.  Ang pagdinig kay Cristo at pagsampalataya sa Amang Dios ay may buhay na walang hanggan ……  JUAN 5:24

4.  Ang pagdinig kay Cristo ay ang pagbubukas ng ating pintuan para sa Kaniya ………….   APOC. 3:20

5.  Ang pagkilala kay Cristo ay ang pagtupad ng kaniyang mga utos ………………………………..   1 JUAN 2:3-4


GAWA 10:43 – Ang bawa’t sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng kapatawaran sa mga kasalanan.


-WAKAS-

No comments:

Post a Comment