ANG MGA LARAWANG INANYUAN O MGA DIOS-DIOSAN


I.  ANO ANG PAGTUTURO NG BIBLIA TUNGKOL SA MGA LARAWANG INANYUAN O MGA DIOS-DIOSAN?


1.  Hindi ibibigay ng Dios ang Kaniyang kaluwalhatian o kapurihan sa mga larawang inanyuan …….ISAIAS 42:8

2.  Ang mga ito’y walang kabuluhan, isang gawa ng karayaan o kasinungalingan ……………JER. 51:17-18

3.  Hindi mga dios ang mga ginawa ng mga kamay ……………………….GAWA 19:26; 1 COR. 10:18-22



II.  PAPAANO ANG PAGBABAWAL SA MGA TAO SA MGA LARAWANG INANYUAN O MGA DIOS-DIOSAN?

1.  Huwag gumawa ni magkaroon ng ibang mga dios o mga larawang inanyuan na iaagapay sa Dios ………………….. EXO. 20:3-5, 23

2.  Magsitakas sa pagsamba sa mga dios-diosan …..… 1 COR 10:14

3.  Hindi marapat na isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao ………………………….GAWA 17:29


III.  ANO ANG NAGIGING KASALANAN NG TAO   KAUGNAY SA PAGKAKAROON NG LARAWANG INANYUAN O MGA DIOS-DIOSAN?

1.  Naipamumungkahi sa galit ang Dios sa paggawa ng mga larawang inanyuan, at paglalagay sa Dios, sa likuran ng mga tao ….................…... 1 HARI 14:9; 1 COR. 19-22

2.  Pinapalitan ng mga tao sa kanilang mga pagmamatuwid ang kaluwalhaian ng Dios na hindi nasisira …………....ROMA 1:21-25

3.  Isang pagpapakasama ito, na gumawa ng larawang inanyuan. ………………….……..DEUT. 4:15-19



IV.  MENSAHE!

1.  Ang larawang inanyuan ay tagapagturo ng kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nag-anyo sa kaniya …………...…..HABACUC 2:18

2.  Ang mga nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan ay   mangapapahiyang mainam ……ISAIAS 42:17;  44:6,7

3.  Ang mga nagsisigawa sa kanila at bawa’t tumitiwala sa kanila ay magiging gaya nila ……….…..AWIT 115:4-8


-WAKAS-

No comments:

Post a Comment