(“The Wrath of God”)
PASIMULA:
“Pagpapakahulugan” - Sa salin sa Tagalog ng Biblia ang salitang “galit” “galit ng Dios” at “poot ng Dios” ang ginamit na salita
upang tukuhin ang pagkakasulat naman nito sa
wikang Ingles na “wrath” at “wrath of God. Kung ating
pag-aaralan ang kahulugan ng salita “wrath” lumilitaw na ito ay hindi
pangkaraniwang galit kundi ito ay isang malaki at matinding galit at ito ay
tumutukoy sa pagsasagawa ng isang pagkilos bunga ng matinding galit na may
kaugnayan sa pagpaparusa at
paghihiganti.
I. ANO ANG
PAGPAPAKILALA NG BIBLIA TUNGKOL SA GALIT O POOT
NG DIOS?
1. Ang
hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios
ay sumasa kaniya …….............…… JN 3:36
2. Ang
poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat ng kasamaan at kalikuan
ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan …………………. ROM 1:18
3. Ang
hindi pagsisisi ng tao ay pagtitipon sa kaniyang sarili ng poot sa kaarawan ng
kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios ………. ROM. 2:5
4. Dahil
sa pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na
iya’y pagsamba sa mga diosdiosan — ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga
anak ng pagsuway
…….......................................................... COL 3:5-6
II. ANU-ANO ANG ILANG
MGA BAGAY NA MAGAGANAP SA PAGDATING NG DAKILANG ARAW NG KAGALITAN NG DIOS?
2. Malakas
na lindol; ang araw ay umitim, ang buwan ay naging gaya ng dugo (6:12)
3. Mga
bituin ay nangahulog sa lupa (6:13)
4. Langit
ay nahawi, bawa’t bundok at pulo ay naalis sa kaniyang kinalalagyan (6:14)
5. Ang
lahat ng uri ng mga tao ay nagsipagtago at nangatakot (6:15).
Nang bumukas ang ika-7 tatak – nakita ang pitong anghel na may 7 pakakak (Apoc.
8:1-2):
& 3rd pakakak (Apoc. 8:11)=
1/3 ng mga ilog at bukal ng tubig ay nagkalason, maraming tao ay nangamatay
sapagka’t mapait ang tubig.
& 5th pakakak (Apoc. 9:1-12) = napahamak
ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo (tal. 4-6)
& 6th pakakak (Apoc. 9:14-21)= papatayin
ang 1/3 ng mga tao (tal. 15).- 7th pakakak = ganap na ang
hiwaga ng Dios (Apoc 10:7). Ang
kaharian ng sanglibutan ay naging sa Panginoon at sa kaniyang Cristo (Apoc.
11:15).
Ang 7 anghel na may pitong salot, na siyang panghuli,
ng kagalitan ng Dios (Apoc. 15:1). Ito ang 7 mangkok ng kagalitan ng Dios(Apoc.
16:1)
Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na,
malapit na, at nagmamadaling mainam …………. ZEF. 1:14-18 (p. 1314)
ARAL: MENSAHE. PAANO MALILIGTAS MULA SA GALIT NA DARATING?
1. Dahil sa pagkaaring-ganap sa
pamamagitan ng dugo ni Cristo ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa
pamamagitan niya …................................… ROM 5:9
2. Si Jesus na nagligtas sa atin mula
sa galit ng Dios na darating ……………. 1 THES. 1:9-10
3. Ipinag-uutos ng Dios na mangagsisi
ang lahat ng tao sa lahat ng dako ………………. GAWA 17:30-31
4. Ang iba’y inyong iligtas na agawin ninyo sa apoy …... JUDAS 1:23
-WAKAS-
No comments:
Post a Comment