ANG KAHALAGAHAN NG SALITA NG DIOS, NG PAG-AARAL, PAKIKINIG, AT PATUPAD NITO



 I.  BAKIT MAHALAGA ANG PATULOY NA PAG-AARAL, PAKIKINIG, AT PAGTUPAD NG SALITA NG DIOS?
1. Sapagka’t ang mga Banal na Kasulatan ang siyang makapagpapadunong sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus …...2 TIM 3:15-17
2. Lalong mapalad ang  nangakikinig ng salita ng Dios at ito’y ginaganap kaysa sa tiyang nagdala kay Kristo at sa suso na nagpasuso sa kanya ………......LUK 11:27-28
3. Ituturing na mga kapamilya ni Cristo ….MAT. 12:46-50

II.  ANO ANG NAPATUTUNAYAN NG PAKIKINIG NG SALITA NG DIOS?
1. Ang sa Dios ay nakikinig ng mga Salita ng Dios ……………………………………... Jn. 8:47; Jn 8:42-46
2. Ang pagtupad ng Salita ni Cristo ay katunayan ng pag-ibig sa kaniya at dahil dito ay ipagkakaloob sa atin ang Espiritu Santo ………………..……… Jn 14:15-17
3. Ang TUNAY NA ALAGAD ni Cristo ay nananatili sa kaniyang mga salita; at makikilala  ang katotohanang magpapalaya ……………………Jn. 8:31-32

III.   ANONG MGA PAGPAPALA ANG MAKAKAMIT NG MGA TAONG NAKIKINIG AT TUMUTUPAD NG MGA SALITA NG DIOS?
1. Iibigin ng Ama at ni Cristo, at si Cristo ay  magpapakahayag sa mga mayroon ng kaniyang mga utos at tinutupad ang mga yaon ……………………….. Jn 14:21
2. Gagawing tahanan ng Ama at ni Cristo ang mga tumutupad ng kaniyang mga salita ……… Jn 14:23-24
3. Ang tumutupad ng salita ni Cristo ay ebidensiya na kilala nga natin siya… sinungaling ang hindi tumutupad at nagsasabing nakikilala niya si Cristo …… 1 Jn. 2:3-5

IV.  ARAL:  MENSAHE!
1. Magkaroon ng pagnanasa sa Salita ng Diyos ………..  1 Ped. 2:1-2
2. Huwag pabayaan ang pagtitipon na gaya ng ugali ng iba ……………………………………………………  Heb. 10:25
3. Kung ang mga salita ni Cristo ay manatili sa atin, ay gagawin ng Panginoon sa atin ang anumang ating ibigin ……………..............................…….. Jn 15:7; 1 Jn 3:22
4. Dapat nakikinig ng mga salita ni Cristo dahil ito’y galing sa Amang Dios — dahil ang utos ng Dios ay buhay na walang hanggan. ………………  Jn 12:47-50

-Wakas-

No comments:

Post a Comment