BAUTISMO

 

I.  BAKIT KINAKAILANGANG TUMANGGAP NG BAUTISMO ANG MGA MANANAMPALTAYA?



1. Ito’y iniutos ng Panginoong Jesus bilang bahagi ng pagiging alagad … MATEO 28:19-20

2. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas ….. MARCOS 16:15-16


II.  ANG MGA NAKARINIG AT NAGSISAMPALATAYA SA PANGANGARAL NG EVANGELIO AY PAWANG NANGABAUTISMUHAN

1. Nang mangaral si Pedro sa Jerusalem nuong araw ng Pentecostes  ………………………….GAWA 2:28

2. Nang mangaral si Pedro sa sangbahayan ni Cornelio        
         ………………….…………..  GAWA 10:48

 3. Nang mangaral si Pablo sa sangbahayan ng bantay-bilangguan  ………………...  GAWA 16:30

4. Matapos na makapakinig ng pangangaral nina Pablo,
nanampalataya at pawang nangabautismuhan ang marami sa 
mga taga Corinto …….….GAWA 18:8

5. Ang mga taga Efeso ay nangabautismuhan sa Pangalan ng 
        Panginoong Jesus ………………….GAWA 19:5

6. Si Apostol Pablo nang bautismuhan ni Ananias  …………………… GAWA 9:18; 22:16

7. Ang bating na napangaralan ni Filipe ng tungkol kay Jesus …………………………… GAWA 8:36-38


III. ANO ANG KATUNAYAN NA ANG PARAAN NG PAGBABAUTISMO AY PAGLULUBOG?

1. Ang kahulugan ng salitang “bautismo”, ito’y nanggaling sa wikang griyego na “bapto” na ang ibig sabihin ang “to dip” o paglubog.

2. Ang “paglusong” at “pag-ahon” ng mga  nabautismuhan sa Biblia ay nagpapatunay na paglulubog nga ang paraan ng bautismo:

Nang bautismuhan si Jesus ay umahon siya sa tubig ………………………………………...  MAT.3:16

Nang bautismuhan ni Filipe ang bating ay lumusong at umahon sila sa tubig …. GAWA 8:38-39

3. Si Juan buatista ay nagbautismo sa lugar na maraming tubig ….………………………… JUAN 3:23

4. Ang ispiritual na kahulugan nito na ito’y itinulad sa “paglilibing” ……..………. ROMA 6:4; COL. 2:12


IV.  ANO ANG KAHULUGAN NG BAUTISMO AYON SA BIBLIA?

ANG DATIHANG PAGKATAO AY NAILIBING NA!  

Ang nabautismuhan kay Cristo ay nabautismuhan sa     Kaniyang kamatayan (ROMA 6:3): Tayo nga’y nangalibing na kalakip Niya sa pamamagitan ng bautismo (ROMA 6:4; COL 2:12):
1. Ang datihang pagkatao natin ay kalakip Niyang napako sa krus, upang huwag na tayong maalipin ng kasalanan (ROMA 6:6)

2. Ang namatay ay ligtas na sa kasalanan ………. (ROMA 6:7).

3. Ibilang na tayo’y mga patay na sa kasalanan …………………………………… (ROMA 6:11)

4. Gaya ni Pablo, tayo man ay napako sa Krus na kasama ni Cristo at hindi na tayo ang nabubuhay sa ating sairili ……………………... GAL.2:20



TAYO’Y MGA BAGONG NILALANG! Kung tayo’y nakalakip niya dahil sa kawangisan ng kamatayan ni  Jesus ay gayon din naman ay nakalakip tayo sa kawangisan ng pagkabuhay na mag-uli ni Jesus (ROMA 6:5). Tayo ngayon ay makalalakad sa panibagong buhay (ROMA 6:5)

1. Kung ang sinoman ay na kay Cristo siya ay bagong nilalang ………………………... 2 COR. 5:17

2.  Huwag nang maghari ang kasalanan sa ating katawang may kiamatayan at huwag na nating ihandog ang mga sangkap ng katawan na pinakasangkapan ng kalikuan ….. ROMA 6:12-13


-WAKAS-

No comments:

Post a Comment