Tuesday, January 7, 2014

ANG DAKILANG KOMISYON


PAUNANG SALITA



             Ang bawa’t mananampalataya ay inaatasan ng Panginoong Jesus na gawing alagad ang lahat ng mga tao (Mat. 28:19).  Hindi kailangan na ang isa ay maging    ministro o pastor o nakapagtapos sa isang “Bible Seminary” upang maibahagi ang kaligtasang natagpuan kay Cristo.  Ang naging unang mga alagad, bukod sa mga apostol, ay nagsipangaral din ng salita ng Dios (Gawa 8:4).  Sa mga sulat ni apostol Pablo ay ipinakita niya na ginawa niya ang lahat ng mga kaparaanang nalalaman niya upang makahikayat ng mga tao at mailigtas sila(1 Cor. 9:20-23).  Ipinakikita din sa atin ng salita ng Dios, na tayo, bilang mga mananampalataya ay nararapat na magliwanag sa gitna ng sanglibutan na “nagpapahayag ng salita ng kabuhayan”(Filipos 2:15-16).

            Ang payak na lathalain na ito ay naglalayon na tugunan, kahit man lamang sa munting kaparaanan ang mga nasabing panawagan sa pagliligtas at pag-aakay ng mga tao kay Cristo.  Bagama’t ito ay hindi naglalaman ng kabuuang aral ng Biblia, makatutulong ito sa mga mananampalataya, bilang magagamit na reperensya sa ilang mga pangunahing aral,  sa mga ginagawang pagmimisyon.   

Sa Dios ang papuri!





ANG DAKILANG KOMISYON

(“THE GREAT COMMISSION”)




Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y
Inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo:

 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na
iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

-Mat 28:19-20

 



No comments:

Post a Comment